Aniya, sa kanyang inaalok na solusyon sa papasok ng administrasyong-Marcos, hindi na kailangan pang suspindihin ang sinisingil na excise at value added taxes sa halaga ng kuryente at langis.
Paliwanag niya, naiintindihan niya na kailangan din ng gobyerno ng kita mula sa mga buwis para sa patuloy na pagtugon sa kasalukuyang pandemya.
Ayon pa kay Ranque, kung magagawa ang kanyang solusyon, matatapyasan agad ng P3.26 ang presyo ng kada litro ng gasolina at P1.40 naman sa kada litro ng krudo.
Kinakailangan lang aniya ay suspindihin ng Kongreso ang Bio Fuels Act of 2006, na nagsasabing kailangan may ‘additives’ ang mga produktong-petrolyo.
Sinabi nito ang ‘additives’ ay nakakadagdag lamang sa presyo ng mga produktong-petrolyo.
“Ang additives ay para lang naman talaga sa mga ‘high-end’ na sasakyan,” aniya.
Sa pagpapababa naman sa halaga ng kuryente, kailangan lang aniya palawakin ang mekanismo ng lifeline subsidy sa P800 mula sa kasalukuyang P400 kada buwan.
Sa ganitong paraan, dagdag pa ni Ranque, ang lubos at tunay na makikinabang ay ang mga mahihirap na Filipino.
Kumpiyansa si Ranque na kung maitatalaga siya para pamunuan ang DOE ay malaki ang maiaambag niya para matupad ang mga ipinangakong tulong ni Marcos sa unang 100 araw nito sa puwesto.