Tatlong pang kagawaran ang magkakaroon na ng bagong mamumuno sa pagpasok ng administrasyong-Bongbong Marcos.
Mismong si Marcos ang nagsabi na itatalaga niyang bilang kalihim ng Department of Finance (DOF) si Benjamin Diokno, ang kasalukuyang namumuno sa Bangko Sentral ng Pilipinas.
Samantalang si Felipe Medalla naman ang papalit kay Diokno sa BSP.
Si dating UP President Alfred Pascual naman ang uupo na bagong kalihim ng Department of Trade and Industry (DTI).
Si Pascual ang kasalukuyang pangulo ng Management Association of the Phils.
Samantala, itatalaga naman ni Marcos si Manny Bonoan bilang kanyang kalihim sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Si Bonoan sa ngayon ang pangulo at chief executive officer (CEO)ng SMC Tollways at nagsilbi ng undersecretary sa DPWH noong administrasyong-Esrada at Arroyo.
Pinili naman ni Marcos si dating Davao del Norte Rep. Anton Lagdameo bilang Special Assistant to the President.