Nagtalaga ang Manila Police District (MPD) ng 250 sa kanilang mga pulis sa Manila North Cemetery kaugnay sa libing ni veteran actress Susan Roces.
Sinabi ni Police Lt. Col. John Guiagui, hepe ng MPD – Station 3, inaasahan na nila na dadagsa ang mga tagasuporta ng pamilyang Poe.
Aniya ang tanging layon nila ay mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa libing kasama na ang pagpapatupad ng minimum health protocols, lalo na ang physical distancing.
Nagpaalala na rin sila sa mga tagasuporta na iwasan nang magdala ng mga mamahaling bagay dahil maaring may magsamantala.
Bago mag-tanghali itinakda ang paghahatid kay Roces sa kanyang huling hantungan katabi ng nitso ng kanyang yumaong asawa, si Da King Fernando Poe Jr.
MOST READ
LATEST STORIES