Mga miyembro ng LP hinihingan umano ng kondisyon sa pakikipag-anib sa PDP-Laban

Liberal PartyInalmahan ng isang Liberal Party solon ang umano’y kundisyon na hinihingi ng PDP-Laban sa LP ukol sa pakikipag-koalisyon.

Ito’y sa gitna ng patuloy na pagbuo ng ‘super majority’ para sa susunod na kongreso, lalo na para sa speakership ni incoming Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez.

Ayon kay Ifugao Rep. Teddy Baguilat, dapat itrato ng PDP-Laban ang LP ng patas gaya ng ginagawa sa ibang partido, at huwag piliting maki-anib sa tinatawag na ‘coalition for change.’

Ani Baguilat, sa ibang political party ay wala namang kundisyon ang PDP-Laban bago ang lipatan.

Subalit pagdating sa LP, sinabi ni Baguilat na gusto raw ng PDP-Laban ang ‘switching of parties.’

Giit ni Baguilat, hinihikayat ng naturang hakbang ang balimbingan, na pumapatay sa larangan ng politika sa Pilipinas.

Paalala ng Kongresista, ang LP at PDP-Laban ay dapat magkapatid sa pagsusulong ng mga political na ideolohiya, kaya sana raw ay walang pwersahan para lamang maging koalisyon.

Read more...