Patay sa pagbaha sa Sri Lanka, mahigit 100 na

Twitter Photo/CCTVNews
Twitter Photo/CCTVNews

Bagaman humupa na ang pagbaha, nananatiling tumataas ang bilang ng mga nasawi sa pagbaha sa Sri Lanka.

Sa latest death toll, 101 na ang naitala ng Disaster Management Office na nasawi at mayroon pang 100 na nawawala mula sa central district na Kegalle na labis na naapektuhan.

Ayon sa mga rescuers, patuloy ang ginagawa nilang paghahanap sa mga lugar na naapektuhan ng landslides.

Sinabi ni DMC spokesman Pradeep Kodippili, mahigit 530 na bahay ang nawasak at nasa 4,000 ang nagtamo ng sira.

Nakabalik naman na sa kani-kanilang tahanan ang nasa mahigit 650,000 na mga residenteng inilikas.

Sa pagtaya naman ng Finance Ministry aabot sa $2 billion ang halaga ng pinsala ng pag-ulan at pagbaha sa mga negosyo at industriya sa Sri Lanka.

Read more...