Mga presong matanda at maysakit, dapat unahin ni Duterte

FILE PHOTO / RUEL PEREZ
FILE PHOTO / RUEL PEREZ

Kinuwestyun ng Simbahang Katolika ang balak ni incoming President Rodrigo Duterte na palayain ang lahat ng political prisoners sa bansa.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Rudy Diamante, executive secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Prison Pastoral Care na mistulang pinalalabas lamang ni Duterte na mayroon itong political debt sa makakaliwang grupo na sumuporta sa kanyang kandidatura.

Kung myaroon man aniyang dapat na unahin sa pagpapalaya, ito ay ang mga bilanggong may sakit, matatanda at wala nang bumibisita sa kulungan.

Katunayan sinabi ni Diamante na mayroon nang listahan ng mga bilanggo sa Board of Pardon and Parole pero hindi naman nilagdaan ng Pangulong Benigno Aquino III.

Apela ni Diamante, unahin ang mga bilanggong higit na nangangailangan na makalabas ng kulungan para hindi makulayan si Duterte.

Una nang inamin ni Duterte na sinuportahan ng rebeldeng grupo ang kanyang kandidatura.

 

Read more...