Pope Francis ‘heartbroken’ sa texas shooting incident

Reuters photo

‘Heartbroken’ si Pope Francis sa nangyaring shooting incident sa Texas, Amerika kung saan 19 kabataan at dalawang guro ang nasawi.

Ayon sa Santo Papa, ipinapanalangin niya ang mga nasawi, pati na ang mga naulilang pamilya.

Apela ng Santo Papa, itigil na sana ang indiscriminate arms trafficking.

Dapat aniyang siguruhing hindi na mauulit ang mga kaparehong trahedya.

Matatandaang pinagbabaril ng isang binatilyo ang mga batang estudyante sa Texas.

Bago binaril ang mga estudyante, binaril muna ng suspek ang kanyang lola.

Read more...