Natapos na ng dalawang Kapulungan ng Kongreso na tumatayong National board of Canvassers ang pagbibilang ng boto para sa president at vice president.
Eksakto 3:33, Miyerkules ng hapon, nang isara ng Joint Canvassing Committee na pinamumunuan nina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at House Majority Leader Martin Romauldez ang pagdedeklara na nakumpleto na ang pagproseso sa 171 na certificate of canvass (COC).
Tinapos ang canvassing kahit na hindi pa nabibilang ang boto sa overseas absentee voring mula sa Argentina at Syria.
Base sa huling datos, umabot sa 31,629,783 ang nakuhang boto ni Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. habang 32,208,417 naman kay Mayor “Inday” Sara Duterte-Carpio.
Sa ngayon, isinasagawa na ang committee report para sa proklamasyon nina Marcos Jr. at Duterte-Carpio.
Inaasahan ang pagpunta ni Marcos Jr. sa Batasang Pambansa para sa proklamasyon.