Makasaysayan!
Naiprokalama na bilang ika-17 pangulo ng bansa ang anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. na si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.
Bandang 4:00, Miyerkules ng hapon (Mayo 25), nang dumating sa Batasang Pambansa sa Quezon City si Marcos kasama ang inang si dating first lady Imelda Marcos, asawang si Atty. Liza Araneta at mga anak na sina Sandro, Simon, at Vincent.
Tagumpay ito sa pamilya Marcos na makabalik sa Palasyo ng Malakanyang.
Ayon kay Senador Imee Marcos, nagpasasalamat ang kanyang pamilya sa ikalawang pagkakataon na ibinigay ng taong bayan.
Sa loob kasi aniya ng 36 na taon, puro pangungutya at pambabatikos ang natanggap ng kanyang pamilya.
Sinabi pa ng senadora na masyadong mabigat ang pinagdaanan ng kanyang pamilya.
Kung anu-anong kaso kasi aniya ang kinaharap ng pamilya, bukod pa sa mga pang-aapi na naranasan.
Sinabi pa ng senadora na matapos manalo ang kanyang kapatid, biglang sumigla ang kanyang inang si dating first lady Imelda.
‘Excited’ umano ang kanyang ina na maupo si Marcos Jr. sa Malakanyang
Samantala, naiproklama na rin bilang bise presidente si Davao City Mayor ‘Inday’ Sara Duterte-Carpio.
Kapansin-pansin na hindi kasama ni Duterte-Carpio ang kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte.
Pero bago nagtungo sa Batasang Pambansa, nagtungo muna si Duterte sa Antique para dumalaw sa burol ng kanyang tagasuporta na nagpakamatay matapos makaranas ng depresyon at pangbu-bully.
Dumalo rin sa proklamasyon si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.
Si Arroyo ang isa sa mga nag-udyok kay Duterte na tumakbong bise presidente.
LOOK: Kasama ni Presumptive vice president Sara Duterte sa pagdating sa Batasang Pambansa si dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo | @chonayu1
🎥: Lakas-CMD#VotePH #OurVoteOurFuture pic.twitter.com/sEn2nu7Vua
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) May 25, 2022