Pilipinas, nananatiling Monkeypox-free

Reuters photo

Nanatiling monkeypox free ang Pilipinas.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Doctor Edsel Salvaña, miyembro ng DOH Technical Advisory Group at isang Infectious Diseases Expert na sa ngayon, wala pang naitatalang kaso ng monkeypox sa bansa.

Ayon kay Salvaña, tuloy ang surveillance ng pamahalaan para masiguro na hindi makapapasok saa bansa ang naturang sakit.

Sinabi pa ni Salvaña, na malaking tulong rin ang patuloy na pagsusuot ng face mask para hindi mahawaan ng monkeypox.

Malaking tulong din aniya na mayroon nang mga bakuna laban sa smallpox at monkeypox kung kaya naagapan ang naturang sakit.

Read more...