Welcome sa Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang pagtatalaga ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Atty. Trixie Cruz-Angeles bilang susunod na Press Secretary.
Ayon kay acting presidential spokesman Martin Adanar, hindi na bago para kay Angeles ang naturang posisyon dahil nagsilbi na rin naman ito sa PCOO noong bagong upo sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.
“We wish Atty. Angeles all the best in her latest assignment,” pahayag ni Andanar.
Dati nang nagsilbi bilang chief social media ng PCOO si Angeles noong July 2017 hanggang 2018.
Nagtapos si Angeles ng law degree sa University of the Philippines noong 1997.
MOST READ
LATEST STORIES