PCG, nilinaw na 157 indibiduwal ang apektado ng nasunog na barko sa Quezon

PCG photo

Nilinaw ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kabuuang bilang ng mga apektadong indibiduwal sa nasunog na MV MERCRAFT 2 sa Real, Quezon noong Mayo 23.

This is to clarify the total number of affected individuals during the fire onboard incident involving MV MERCRAFT 2 in the vicinity waters off Real, Quezon, on 23 May 2022.

Sa nakuhang datos ng PCG Station Northern Quezon base sa isinagawang imbestigasyon noong Martes, Mayo 24, nasa 157 katao ang sakay ng barko.

“According to the Philippine Coast Guard (PCG) Station Northern Quezon, the data gathered during the investigation yesterday, 24 May 2022, revealed that there were 157 INDIVIDUALS ONBOARD THE DISTRESSED VESSEL instead of 134 individuals as earlier reported,” saad nito.

Sa 157 pasahero at crew member, pito ang nasawi habang 29 ang sugatan dahil sa insidente.

Hindi naman nasugatan ang nalalabing 123 indibiduwal.

Read more...