Gobyerno ng Pilipinas, hindi pa handang magtayo ng nuclear power plant

Hindi pa handa ang pamahalaan ng Pilipinas para magtayo ng nuclear power plant.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Energy Undersecretary Gerardo Erquiza Jr. na nakasaad sa EPIRA Law na bawal ang estado na magpatayo ng nuclear power plant.

Tanging ang pribadong sektor aniya ang pinapayagang pumasok sa power generation.

Malinaw kasi aniya na wala sa mandato ng National Power Corporation ang pagpapatayo ng nuclear power plant.

Sinabi pa ni Erquiza na kung makapagtatayo man ng nuclear power plant, aabutin pa ng anim hanggang walong taon para lamang sa pagbuo ng framework.

Una rito, sinabi ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pinag-aaralan niyang buhayin ang Bataan Nuclear Power Plant.

Read more...