Inamin ni Department of Education Assistant Secretary Tonisito Umali na hindi talaga nakukumpleto ang target na 201 na school days sa mga paaralan dahil sa mga suspension ng classes sa bawat school year.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, isangdaan at walumpung araw ang bilang ng pasok sa mga paaralan na hindi dapat maisaalang-alang. Ngayong buwan pa lamang ng Hulyo ay halos isang linggo na suspended ang klase sa mga paaralan sa halos lahat ng antas dahil sa masamang lagay ng panahon.
“Hindi dapat ma-compromise, not negotiable yun ay kailangan talagang magsagawa ng mga make-up classes para makumpleto yung 180-days,” ani Umali.
May malinaw na utos na aniya ang DepEd sa mga Division School Superintendents tungkol sa pagsasagawa ng make-up classes. Ang maaaring gawin ayon kay Umali ay ang pagsasagawa ng make-up classes sa araw ng Sabado o di kaya naman ay mag-extend ng oras ng klase lalo na sa mga single shift classes./Gina Salcedo