Ang mga inaasahang maapaketuhan ay ang rehiyon ng Cordillera at ang Lambak ng Cagayan na makakaranas ng maulap na may manaka-nakang pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat. Inaasahan ang malakas na pag-ulan sa mga naturang rehiyon sa darating na Miyerkoles, ika-15 ng Hulyo.
Ang bagyong Nangka ay papunta na sa direksiyon ng Japan sa lakas na 185-kiloneters kada oras na may pagbugso na aabot ng hanggang 220-kilometers.
Sinundan ng bagyong Nangka ang bagyong Falcon at Egay na nagpalakas din ng hanging habagat na siyang nagpa-ulan sa malaking bahagi ng Luzon sa nakalipas na dalawang linggo./Gina Salcedo