Palasyo, nakiramay sa mga pamilyang naulila ng mga nasawi sa nasunog na barko sa Quezon

PCG photo

Nagpaabot ng taos-pusong pakikiramay ang Palasyo ng Malakanyang sa mga pamilyang naulila sa trahedyang sa pagkasunog ng isang passenger vessel sa Real, Quezon.

Ayon kay acting presidential spokesman Martin Andanar, ipinapanalangin din ng Palasyo ang agarang paggaling ng mga nasugatan sa trahedya.

Sa ngayon, ayon kay Andanar, may ginagawa nang imbestigasyon ang Philippine Coast Guard (PCG).

Pito katao ang nasawi habang 24 ang nasugatan nang masunog ang Vessel Mercarft 2 sa karagatan ng Real.

Galing sa Polilio Island ang vessel nang magsimula ang sunog sa engine room.

Ayon kay Andanar, mas makabubuting hintayin ang resulta ng imbestigasyon para maliwanagan ang lahat.

Nasa 126 at walong crew ang sakay ng nasunog na vessel.

PCG photo

Read more...