Ayon sa pamunuan ng MRT-3, naitala ang nasabing bilang simula March 28 hanggang Mayo 23, 2022.
Sa higit 15 milyon, 8,472,637 pasahero ang nakalibre ng pamasahe noong unang buwan ng programa simula Marso 28 hanggang Abril 30.
Umabot naman sa 6,909,308 ang bilang ng mga pasaherong libreng nakasakay sa linya ng tren simula Mayo 1 hanggang 23.
Matatandaang ipinatupad ang naturang programa bilang pagdiriwang sa pagtatapos ng rehabilitasyon sa MRT-3.
Layon din nitong makatulong sa publiko dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo at mga pangunahing bilihin.
Tatagal ang libreng sakay sa MRT-3 hanggang Mayo 30, 2022.
MOST READ
LATEST STORIES