Ilang dumalo sa concert sa Pasay City, umaming gumamit ng ecstasy

close upUmamin umano sa Pasay City Police ang ilang dumalo sa forever summer concert sa Pasay City noong Sabado, May 21  na gumamit sila ng ipinagbabawal na gamot.

Ayon kay Pasay City Police Chief, Supt. Joel Doria, isa sa kasamahan ng isa sa limang nasawi sa concert ang umamin sa kanila na gumamit sila ng droga na binili nila sa labas at binitbit papasok sa concert grounds.

Ayon kay Doria, inilarawan ng nakapanayam nila ang droga na ininom nila bilang tablet o kapsula na binili umano nila ng P1,500 bawat isa.

Sa labas umano nabili ang tableta o kapsula at naipasok nila ito sa concert grounds.

Ayon pa kay Doria, sa pahayag ng hindi pinangalanang concertgoer, uminom sila ng tig-iisa pero isa sa grupo ang uminom ng dalawa.

May isa pang concertgoer din na umamin na nakita nilang may nagbebenta ng ecstasy sa kasagsagan ng concert at may mga humihithit pa ng marijuana.

Patuloy namang kinukumbinse ng Pasay Police ang testigo na magbigay ng pormal na statement para makatulong sa imbestigasyon.

 

Read more...