Suportado ni presumptive President-elect Rodrigo Duterte ang anumang panukalang magsusulong na magamit ang marijuana sa medical purposes.
Ngunit mabilis din si Duterte na idiin na hindi niya susuportahan ang paggamit nito for ‘recreational purposes’.
Ayon kay Duterte, sa kasalukuyan, may mga gamot nang dini-develop ngayon at ibinebenta na sa merkado na nagtataglay ng marijuana kaya’t bahagi na ito ng modernong istilo ng panggagamot.
Gayunman, kung ito aniya ay gagamitin bilang bahagi ng pagbibisyo, mananatili itong ipinagbabawal sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Una rito, inihain ni Isabela Rep. Rodolfo Albano III sa Mababang Kapulungan ang House Bill No. 04477 o ang Compassionate Use of Medical Cannabis Act in May 2014.
Sa ilalim ng panukala, papayagan ang paggamit ng medical marijuana para sa pagbibigay remedyo sa ilang karamdaman.