Partido ni Duterte lalong lumalaki

 

Inquirer file photo

Sa paglipas ng mga araw, lalong lumalaki ang partido ng PDP-Laban.

Mahigit isang dosenang mga mambabatas mula sa iba’t ibang partido ang nanumpa bilang miyembro ng PDP-Laban sa Marco Polo Hotel sa Pasig City.

Kabilang na sa kanila si San Juan City Rep. Ronaldo Zamora ng Nacionalista Party (NP), Negros Occidental Rep. Alfredo Benitez na pinuno ng Visayas bloc, Pangasinan Gov. at incoming Rep. Amado Espino Jr., at Lanao del Norte Gov. at incoming Rep. Khalid Dimaporo ng Liberal Party.

Bukod sa kanila, nanumpa rin bilang mga bagong miyembro ng PDP-Laban sina Representatives Ruby Sahali ng Tawi-Tawi, Peter Unabia ng Misamis Oriental, Horacio Suansing ng Sultan Kudarat, Jorge Almonte of Misamis Occidental, Mayo Almario ng Davao Oriental, Wilter Palma II ng Zamboanga Sibugay, Maximo Rodriguez Jr. ng Cagayan de Oro City, Rogelio Pacquiao na kapatid ni Senator-elect Manny Pacquiao para sa Sarangani, Jesus Celeste ng Pangasinan at Mylene Garcia-Albanao ng Davao City.

Karamihan sa mga bagong miyembro ng PDP-Laban ay mula sa Liberal Party.

Read more...