Matapos na matalo sa pagtakbo sa presidential race, tuluyan nang magpapahinga si Sen, Miriam Defensor-Santiago.
Sa kanyang liham na ipinadala kay Senate President Franklin Drilon, sinabi ng senadora na itutuloy na lamang niya ang kanyang medical leave.
Dagdag pa nito, nagkaroon siya ng ‘anorexia’ na resulta ng pag-inom ng gamot sa sakit niyang lung cancer.
Dahil aniya sa ‘anorexia’ o kawalan ng gana na kumain, humihina aniya ang kanyang katawan at isipan.
Matatandaang noong 2014, inanunsyo ni Sen. Santiago na mayroon siyang lung cancer.
Ito ang dahilan kaya’t may ilang pagkakataon na hindi siya nakapag-ikot sa mga campaign sorties noong panahon ng eleksyon.
Noong Lunes, nag-convene ang Senado at Kongreso upang magsilbing National Board of Canvassers para sa naging botohan sa pangulo at pangalawang pangulo.