Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 527 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 527 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 527,799,395 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 85,004,438 cases.

Sumunod na rito ang India na may 43,138,393 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 30,791,220 naman ang kaso sa Brazil habang 29,354,950 ang napaulat na kaso sa France.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Germany – 26,085,617
– United Kingdom – 22,238,715
– Russia – 18,293,450
– South Korea – 17,967,672
– Italy – 17,247,552
– Turkey – 15,062,281
– Spain – 12,238,073
– Vietnam – 10,708,887

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 6,300,433 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 498,042,553 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...