Ilang stall ng mga vendor sa Divisoria mall, ipinasara umano

Sunud-sunod na ang pamumulitika ng natalong si Isko Moreno Domagoso sa lahat ng kanyang kritiko sa lungsod ng Maynila.

Nauna na umanong pinagbalingan ng galit ni Isko ang mga tagasuporta ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Lope de Vega kung saan giniba ang basketball court na ang dahilan ginagamit sa iligal na sugalan ang nasabing court. At maging ang mga maralitang manininda sa Divisoria Public Market naapektuhan ng pagbebengang ito ni Domagoso na isa-isang sinara ang mga stall ng mga vendor sa Divisoria mall na kumondena sa naganap na bentahan ng naturang establisiyemento.

Napag-alaman na dumating ang pamunuan ng Bureau of Permit upang suriin ang mga Mayor’s Permit ng mga nagtitinda sa Divisoria Public Market noong May 17, 2022.

Dahil sa pandemya, hindi nakapag-renew kaagad ang vendors simula noong 2019.

Ayon kay Emmanuel Plaze alyas “Ka Maning,” Chief Paralegal ng Coop. ng Divisoria mall, na walang prior notice ang isinigawang closure order.

Sinabi ni Plaza na hinanapan ng permit ang vendors, at nang walang maipakitang permit, imbes na bigyan ng pagkakataon na makakuha ng permit, diretsong nirekomenda ng Bureau of Permits ang pag-isyu ng closure. Hindi notice of closure, kung hindi closure na.

Sa kasamaang palad, ganon din ang nangyari sa mga magtitindang nakapag-renew nitong 2022. Sa kadahilanang magkaiba ang number sa permit at tindahan.

Ayon kay Ka Maning, “Walang due process ang isinagawang closure sa mga tindanahan nika. Hindi po ba dapat bago mag “Closure ng stall dapat mag-issue muna sila ng show cause order? Para mapakita ng may ari ng stall ang documents na kailangan nila?”

Sinasabing pili ang mga pinagsasarang tindahan. Tanging ang stalls ng officers ng kooperatiba ang karamihan sa mga pinasarang tindahan. Sila ang mga tindero at tindera na sumabay sa paghahain ng kaso kina Isko, Honey, at mga kasamahan nito laban sa maanomalyang bilihan ng Divisoria public market. Sila rin ang mga kilalang taga-suporta ni BBM.

Noong nakaraan buwan lang, naghain sila ng kaso sa Office of the Ombudsman para ireklamo sina Isko Moreno, Honey Lacuna, at mga kasamahan nito sa konseho at sa City Hall dahil sa ilegal na pagbenta ng Divisoria Public Market.

Maliwanag na ito ang kadahilanan kung bakit sila pinagkaitan ng karapatan na mag-operate ng kanilang tindahan. Sadyang pinulitka ng administrasyon ni Isko nang mabigo ito sa pagtakbong Presidente.

Dagdag ni Ka Maning, “Imagine mo po ang nangyari [may] recomemdation for closure of stall [noong] May 17, 2022. [Nagbaba ng] Closure Order, May 18, 2022. [Ilang araw] May 20, 2022, nagsara na sila ng stall. [Ang] Closure Order [s]ign by; Levi C. Facundo, OIC-Bureau of Permits; [at] Bernardito Ang, Secretary to the Mayor.

Ang mga nasabing signatory, kasama sa mga sinampahan ng kaso noong nakaraang buwan. Pinapakita lang sa pangyayaring ito na mayroong pamumulitaka at hindi lang isang karaniwang operasyon ang pangangasiwa sa Divisoria.

Read more...