Sen. Sonny Angara positibo sa pagbangon ng Pilipinas

Kumpiyansa si Senator Sonny Angara na magpapatuloy ang pagbangon ng Pilipinas sa pagpasok ng bagong administrasyon.

Aniya tulad sa mga nakalipas na administrasyon at sa tuwing magsasalin ng kapangyarihan, nagiging matagumpay ang mga sumasalo na gobyerno basta naipapagpatuloy lamang ang mga magagandang programa at polisiya.

“The good is news is that our economic ploicies don’t really change. In the past three administrations, difficult fiscal reforms were introduced in order to strengthen the economy and improve the lives of our people,” ang naging pahayag ni Angara sa Harvard OPM Club of the Philippines.

Binanggit pa niya na malaki na ang naging pagbabago sa sektor ng edukasyon, kalusugan, at imprastraktura nitong nakalipas na dalawang dekada dahil sa mga programa ng gobyerno.

“During the time of PGMA, we had four to five percent GDP growth, then it was six to seven percent during the time of PNoy, that was sustained over six years. Then you have President Duterte almost hitting eight percent, pre-pandemic,” sabi pa ng chairman ng Senate Finance Committee.

Dagdag pa nito sa susunod na anim na taon, may nakikita siyang potensyal na kailangan pagtuunan ng sapat na pansin para mas maging mabuti ang sitwasyon sa bansa.

Sinabi din nito ang maitutulong ng isinusulong niyang ‘Tatak Pinoy’ na unti-unti nang napapansin ng mga banyagang negosyante dahil sa kalidad ng mga manggagawa at produktong Filipino.

 

Read more...