At ang payo sa kanila ni Senate Minority Leader Frank Drilon ay mag-aral nang mag-aral at sumunod sa mga tradisyon ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso.
Aniya ang mga senador ay nasa ‘aquarium’ ang binabantayan ng buong bansa at nabanggit din nito ang ‘social media.’
“The 24 senators would be easy to monitor as contrated in the House where there are over 300. You can hide under the numbers there. In the Senate, you can’t do that,” pagpupunto pa ni Drilon.
Dapat din aniya sumunod ang mga ‘bagitong’ mambabatas sa mga tradisyon sa Senado.
Sa mga nanalong senador, apat ang reelectionists, Sens. Migz Zubiri, Risa Hontiveros, Sherwin Gatchalian at Joel Villanueva, samantalang lima naman ang nagbabalik lamang sa Senado – Sens. Chiz Escudero, JV Ejercito, Loren Legarda, Jinggoy Estrada at Allan Peter Cayetano.
Samantala, dumistansiya naman si Drilon sa usapin kung sino ang susunod na mamumuno ng Senado, gayundin sa pamumuno sa ibat-ibang komite.