WFH policy, back-to-office order pinalilinaw ni Sen. Imee Marcos

Hiniling ni Senator Imee Marcos sa Department of Finance (DOF) na linawin ang kanilang back-to-office order sa katuwiran na binabangga nito ang work-from-home arrangements na aprubado ng gobyerno.

Katuwiran ni Marcos, ang mga ganitong magkakaibang polisiya sa sektor ng paggawa ang ikinadidismaya ng mga banyagang mamumuhunan at maaring magpahirap sa susunod na administrasyon.

“Companies in expeort zones are now afraid of losing their tax incentives if they don’t resume all operations on-site. Buth their work-from-home programs were approved as early as 2017, which the Telecommuting Act of 2018 also supports,” aniya.

Dagdag pa ng namumuno sa Senate Committee on Economic Affairs maging ang micro, small and medium enterprises (MSMEs) ay makikinabang sa work-from-home programs.

Pag-amin ni Marcos suportado niya ang panawagan ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na paigtingin pa ang WFH programs hanggang sa pagtatapos ng idineklarang state of calamity ng gobyerno sa Setyembre.

Dagdag katuwiran pa niya, malaking tulong sa mga empleado ang WFH arrangments dahil nakakatipid sila sa gastusin sa transportasyon bukod sa nakakabawas sa trapiko at isyu sa kakulangan ng pampublikong transportasyon.

Read more...