4th dose sa uniformed personnel at OFWs puwede na

Maari nang simulan ang pagbibigay ng second booster shot laban sa COVID 19 ng mga uniformed personnel, gayundin ang overseas Filipino workers (OFWs).

Sa Laging handa public briefing, sinabi ni Food and Drug Administration (FDA) Dir. General Oscar Gutierrez ang unformed personnel ay kabilang sa A4 category o essential workers.

Samantalang nasa Category B ng essential workers ang OFWs.

Paliwanag ni Gutierrez, ang Department of Health (DOH) ang nagdesisyon na bigyan na ng second booster shots ang mga nasa uniformed services gayundin ang OFWs.

“Ang importante po dito ay iyung bakuna po na inaprubahan ng FDA ay pumasa po sa safety, efficacy and quality standard para maibigay po sa adult population as booster,” dagdag pa ng opisyal.

Samantala, ibinahagi din ni Gutierrez na sa ngayon, wala pa silang natatanggap na aplikasyon para sa pagbibigay ng booster shot sa mga may edad  5 – 11 na fully vaccinated.

Read more...