QC official sinuspindi ni Mayor Joy Belmonte dahil sa ‘sex rap’

Anim na buwan na suspensyon ang parusang ipinataw ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa isang mataas na opisyal ng lungsod dahil sa reklamong sexual harassment.

Sinabi ni Belmonte, ilang ulit na binastos ng hindi na kinilalang opisyal ang isang babaeng empleado sa pamamagita ng ‘verbal at physical sexual harassment.’

Aniya nang matanggap niya ang reklamo ay agad niya itong ipinasa sa Committee on Decorum and Investigation-Legislative Department.

Matapos ang pagsisiyasat sa reklamo napatunayan na ito ay may basehan.

“We condem all these vile acts of harassment against women, especially among our own officials and employees. The Quezon City government is committed to addressing all sexual harassment cases regardless of gender and position in any department,” ani Belmonte, na ibinahagi na may dinidinig pang isang kaso ng sexual harassment.

Noong Marso sa paggunita ng Women’s Month, ipinaalala ni Belmonte ang ‘zero tolerance policy’ sa lahat ng uri ng pang-aabuso sa mga babaeng kawani.

Read more...