Pinulong na ni Las Piñas Vice Mayor April Aguilar ang mga namumuno sa City Health Office (CHO) sa pangunguna ni Dr. Julie Gonzalez para sa pagbibigay ng ‘second booster shots’ sa mga senior citizens at health workers sa lungsod simula sa darating na Lunes, Mayo 23.
Ipinatawag ni Aguilar ang pulong para mas maipaliwanag at maging malinaw sa mga ‘eligibles,’ ang pagtuturok ng 4th dose at aniya ito ang bilin ni Mayor Mel Aguilar.
Ayon sa nakakabatang Aguilar makakatanggap ng text message ang mga maari nang mabigyan ng second booster shot at kung kailan at saan sila maaring magpaturok.
Iminungkahi din nito na mabukasan community vaccination sites para sa pagbubigay ng 4th dose.
Bukod pa dito, pinaghahandaan na rin ng pamahalaang-lungsod ang ‘Chikiting Bakunation’ para naman sa pagbabakuna ng mga sangool edad 0 hanggang 23 buwan simula sa Mayo 30.
Tuturukan ang mga sanggol ng bakuna kontra TB at tigdas, Penta-hib o 5in1, at Oral Polio.
Nagbilin si Aguilar sa mga kawani ng CHO na magbahay-bahay para maipaalam sa mga magulang ang programa na isasagawa sa barangay health centers.
Hinikayat niya ang pakikiisa ng lahat sa pagsasabing ang mga hakbang ay para sa kaligtasan ng lugar. Bukod dito ay ipinaalala din niya ang disiplina at ibayong pag-iingat.