Target ng Commission on Elections na maiproklama na ang mga nanalong party-list groups sa Mayo 25.
Ayon kay Comelec spokesman Director John Rex Laudiangco, sa Mayo 24 pa kasi magkakakroon ng special elections sa Lanao del Sur.
Kapag naisagawa ang special elections at agad na mabilang ang boto, maaring mai-proklama na ang mga nanalong party-list groups sa Mayo 25.
Nasa 685,000 na boto ang nasa Lanao del Sur.
Isasagawa ang special elections sa Lanao del Sur matapos magkaroon ng failure of elections dahil sa banta sa seguridad.
Dagdag ni Laudiangco na hihintayin pa ng Comelec na ma-transmit ang resulta ng 1,191 na local absentee votes sa Shanghai, China.
Kinakailangan na makakuha ng dalawang porsyento na boto ang mga party-list groups sa total number of votes cast para makaupo sa puwesto sa House of Representatives.
Hanggang tatlong puwesto ang maaring makuha ng isang party-list group.
Pag-aaralan pa ng Comelec kung saan gagawin ang proklamasyon sa mga mananalong party-list groups.