Bayabas, Surigao del Sur, niyanig ng lindol

Phivolcs Facebook photo

Niyanig ng 3.7 magnitude na lindol ang Bayabas, Surigao del Sur kaninang 7:48 ng umaga, Mayo 20.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 24 kilometers.

Naitala ang Instrumental Intensity 1 sa Tandag City, Surigao del Sur.

Wala namang inaasahang aftershocks matapos ang lindol.

Wala ring naitalang nasirang ari-arian dahil sa pagyanig.

 

 

Read more...