Patuloy na uulanin ang malaking bahagi ng Luzon.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Ana Clauren-Jorda, umiiral pa rin ang Southwesterly Surface Windflow o mahinang hanging nagmumula sa Timog-Silangan sa Kanlurang bahagi ng Northern at Central Luzon.
Magdudulot aniya ito ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa Batanes, Babuyan Group of Islands, Ilocos region, Zambales, Bataan, at Pampanga hanggang Biyernes ng madaling-araw.
Kaparehong lagay ng panahon din ang iiral sa Metro Manila, Bulacan, Calabarzon, at Mindoro provinces.
Magiging maulap din aniya ang kalangitan sa Cordillera Administrative Region at natitirang bahagi ng Cagayan Valley dala naman ng localized thunderstorms.
Sa bahagi naman ng Visayas, Mindanao, Bicol, at nalalabing bahagi ng MIMAROPA, magiging maaliwalas ang panahon.
Ngunit ani Clauren, dapat pa ring maging handa ang mga residente sa nabanggit na lugar dahil maari pa ring makaranas ng mga panandaliang pag-ulan.
Sa ngayon, wala pa ring inaasahang low pressure area (LPA) o bagyo na maaring makaapekto sa bansa sa susunod na tatlo hanggang limang araw.