Posibleng pagtaas ng kaso ng dengue, ibinabala

Nagbabala ang isang health expert sa publiko na mag-ingat sa posibilidad ng pagtaas ng kaso ng dengue.

Ayon kay Dr. Rontgene Solante, isang infectious disease expert, ito ay dahil sa papasok na ang panahon ng tag-ulan.

“Because alam natin during rainy season kung saan namumugad iyong mga lamok na iyan, tataas ang rate ng dengue.And we know when we have dengue, it can also have the same symptoms ‘no, [with COVID-19] – ng fever and then pananakit ng katawan,” pahayag ni Solante.

Bukod sa dengue, sinabi ni Solante na dapat ding bantayan ang posibleng pagtaas ng influenza.

Kaya payo ni Solante sa publiko, mas makabubuting magpaturok ng influenza vaccine o flu vaccine.

“Tapos mayroon tayong isang sakit na napaka-common kapag bumabaha, iyong leptospirosis na talagang isa iyan sa minsan na nakalilimutan na especially during the pandemic. With the increased mobility ng mga tao, lumalabas na, puwedeng ma-expose sa baha, puwede ka ring magka-leptospirosis,” pahayag ni Solante.

Read more...