Hinimok ng Comelec ang mga kumandidato sa nakalipas na eleksyon na magsumite na ng kanilang Statement of Contribution and Expenditure (SOCE) bago ang June 8 o isang buwan matapos ang eleksyon.
Ayon kay Comelec Spokesman Atty. Rex Laudiangco, may penalty at hindi makakaupo sa puwesto ang mga nanalong kandidato kapag hindi nakapaghain ng SOCE.
‘Perpetual disqualification’ naman aniya ang maaring harapin ng isang pulitiko kapag dalawang beses na hindi nakapagsumite ng SOCE.
Dahil ‘under oath’ at ‘notarized’ ang mga SOCE, kasong perjury at administrative penalty ang maaring harapin ng isang pulitiko na hindi nagsumite ng SOCE.
Ayon kay Laudiangco, nakasaad sa batas na pinapayagan ang isang kandidato sa lokal na posisyon na gumastos ng P3 sa bawat kandidato kung mayroong political party at P5 sa bawat botante para naman sa mga kandidato na tumatakbong independente.
Para sa mga kumakandidto sa pagkapangulo at bise presidente, pinapayagan na gumastos ng P10 sa bawat botante.
Base sa talaan ng Comelec, nasa mahigit 67 milyong botante ang nakarehistro sa 2022 National at Local Elections.