Nagbabala ang isang health expert na posibleng tumaas ng hanggang 500 bagong kaso ng COVID-19 ang maitatala sa mga susunod na araw.
Ito ay dahil sa pagsulpot ng bagong uri ng COVID-19 na Omicron subvariant.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Dr. Rontgene Solante, isang Infectios disease expert, na mas nakakahawa kasi ang new sublineage ng Omicron na BA.2.12.1.
Maari aniyang maitatala ang pagtaas ng kaso sa mga lugar na may mababa ang bilang ng mga nabakunahan kontra COVID-19.
“Well, ang expectations natin dito ay tataas ang kaso, especially in those areas na mababa ang vaccination rate ‘no, at importante dito na alam natin na itong variant or sublineage na ito ay napakataas ang transmissibility. So vulnerable ang population natin especially for those na wala talagang bakuna kumpara doon sa may mga bakuna especially for those [who have] booster. So there is a possibility ‘no, malaki ang posibilidad niyan na medyo tataas ang kaso, but I don’t think it will be enough to affect our hospitalization rate,” pahayag ni Solante.
Ikinabahala ni Solante ang mababang bilang ng testing o ang mga nagpapasuri kung positibo sa COVID-19.
“Alam natin na ngayon ay mababa rin ang testing ano natin to those who have symptoms, in fact, we have experienced na iyong mga iba ay hindi nagpa-test maski mayroong mga sintomas, [we] might not be able to reflect kung ano talaga ang totoong number ng cases na nangyayari ngayon sa ground over that of those who were tested and are found to be positive in the RT-PCR,” pahayag ni Solante.
Asahan na rin aniyang unang tatamaan ng pagtaas ng tinamaan ng COVID-19 ang Metro Manila dahil sa dami ng populasyon.
Pinag-iingat ni Solante ang mga indibidwal na mayroong comorbidities o karamdaman dahil mas madaling mataam ng virus.