Umabot na sa halos 1,000 na reklamo ng vote-buying ang natanggap ng Commission on Elections (Comelec).
Ayon kay Comelec Spokesman Atty. Rex Laudiangco, nasa 933 na reklamo ang kanilang natanggap sa pamamagitan ng Facebook.
Nasa 167 naman ang natanggap sa electronic mail o email at 73 reports naman ang natanggap ng Law Department ng Comelec at isa naman ang naghain ng affidavit complaint sa Integrated Bar of the Philippines at Lente.
Ayon kay Laudiangco, sa naturang bilang, 12 ang verified complaint.
Magtatakda aniya ang Comelec ng preliminary investigation at submission ng reply rejoinder pati na ang clarificatory hearing sa Department of Justice (DOJ).
Pakisusap ni Laudiangco sa mga nagrereklamo, kumpletuhin ang detalye o hindi kaya ay idaan na sa affidavit para madali na sa Comelec ang pagsasmpa ng kaso.
Aminado si Laudiangco na ‘bittersweet’ para sa Comelec ang eleksyon dahil bagamat tumataas ang lebel ng credibility, hindi pa rin mawawala ang vote-buying o ang vulnerability ng human factor.