Niyanig ng magkasunod na lindol ang probinsya ng Masbate.
Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng magnitude 3.7 na lindol sa layong 11 kilometers Northwest ng Batuan dakong 9:29 ng umaga.
May lalim itong 17 kilometers at tectonic ang origin.
Bunsod nito, naitala ang instrumental intensity 1 sa Legazpi City, Albay.
Samantala, may lakas namang magnitude 4.8 ang tumamang lindol sa City of Masbate dakong 9:38 ng umaga.
11 kilometers ang lalim nito at tectonic din ang origin.
Sinabi ng Phivolcs na nakapagtala ng intensities sa ilang karatig-lalawigan:
Intensity 6 – Mobo, Masbate
Intensity 5 – Masbate City
Intensity 4 – Aroroy and Baleno, Masbate
Intensity 3 – Batuan, Masbate
Intensity 2- San Jacinto, Masbate; Ajuy, Iloilo
Intensity 1 – Passi City, Iloilo
Instrumental Intensities:
Intensity 5 – Masbate City
Intensity 1 – Passi City, Iloilo
Ayon sa Phivolcs, asahan ang mga pinsala sa mga nabanggit na lugar, ngunit wala namang aftershocks.