Pangulong Duterte, nakiramay sa mga naulila ni UAE Pres. Sheikh Khalifa bin Zayed Al Nahyan

Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa gobyerno at mga naulila ni United Arab Emirates President, His Highness Sheikh Khalifa bin Zayed Al Nahyan.

Ayon sa Pangulo, nakikiisa ang mga Filipino sa pagdadalamhati ng mga taga-UAE.

Inalala ng Pangulo si Sheikh Khalifa bilang isang bold visionary na kung saan naging crucial ang kanyang pamumuno para matiyak na maipagpatuloy ang economic transformation at mapaigting ang pakikipag-ugnayan sa international community kabilang na ang Pilipinas.

Tiyak aniyang maalalala ang legasiya ni Sheikh Khalifa sa uri ng kanyang leadership, wisdom at benevolence.

Ipinaabot ng Pangulo ang kanyang pakikiramay sa pamamagitan kay Special Envoy, Secretary Robert Borje.

Read more...