Globe, 2022 Q1 ‘most consistent network’  – analytics firms

Kinilala ng dalawang international analytics firms ang Globe bilang nangungunang digital platforms sa bansa.

Sa magkahiwalay na report ng Ookla at Opensignal, ang Globe ang lumabas na ‘top Philippine mobile operator’ sa usapin ng ‘consistency rating’ sa first quarter ng taon.

Bukod dito ang pagiging top-rating ‘better-user experience’ sa ibat-ibang apps ayon na rin sa mga subscribers.

Base sa Ookla Speedtest Intelligence data, nakapagtala ang Globe ng 79.45 nationwide consistency score mula Enero hanggang Marso ngayon taon, mula sa 70.43 sa katulad na mga buwan noong 2021 at bahagyang mataas sa naitala na 79.02 sa huling tatlong buwan ng nakaraang taon.

Kinilala naman ng Opensignal ang Globe na ‘most consistent mobile quality’ sa bansa at naungusan ang kanilang competitors sa Excellent and Core Consistent Quality categories sa Opensignal Mobile Experience Awards.

Noon nakaraang buwan, kinilala din ang Globe sa Excellent Consitent Quality base sa mga nakalap na datos mula nitong Enero hanggang Marso.

“Globe is the outright winner of the Excellent Consistent Quality award, as the highest proportion of users’ tests met the minimum recommended performance threshholds to watch HD video, compelte group video conference calls and play games on its network,” ang pahayag ng Opensignal.

Read more...