Kabuuang bilang ng mga pasaherong nakatanggap ng libreng sakay sa MRT-3, higit 13.15-M na

Sumampa na sa 13,150,386 ang kabuuang bilang ng mga nakatanggap ng libreng sakay sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, naitala ang nasabing bilang simula March 28 hanggang Mayo 16, 2022.

Sa unang buwan ng naturang programa simula Marso 28 hanggang Abril 30, nasa kabuuang 8,472,637 pasahero ang napagserbisyuhan nito.

Nadagdagan ang 4,677,749 pang pasahero na nakatanggap ng libreng sakay simula Mayo 1 hanggang 16.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, layon ng programa na maipakita sa publiko ang mas pinagandang serbisyo ng linya na bunga ng pagtatapos ng malawakang rehabilitasyon nito.

Nais din nitong makatulong sa mga pasahero sa gitna ng mataas na presyo ng mga bilihin.

Tatagal ang libreng sakay sa MRT-3 hanggang Mayo 30, 2022.

Read more...