Unang batch ng shipment ng train simulators para sa PRI, dumating na sa bansa

DOTr photo

Dumating na sa Pilipinas ang kauna-unahang batch ng shipment ng train simulators para sa Philippine Railways Institute (PRI) noong Lunes, Mayo 16.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), nagmula ito sa bansang Japan.

Sinabi ng kagawaran na makatutulong ang mga train simulator na hasain ang mga nagnanais na maging train driver na makapagbigay ng de kalidad, komportable, at ligtas na serbisyo.

Kabilang ang train simulators sa grant agreement sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Japan.

Ang PRI ay ang kauna-unahang Railways Training Institute sa Pilipinas na magsisilbing planning, implementing, at regulatory agency para sa human resources development sa railways sector sa bansa.

Ito rin ang magiging susi para sa mas sustainable, efficient, at dependable na mass transportation system ng bansa.

Sa ngayon, nasa MMSP Depot sa Valenzuela City ang train simulators.

Read more...