CebuPac uusisain ang social media post ng piloto vs VP Leni

 

Inanunsiyo ng Cebu Pacific na gagawa ito ng hakbang kaugnay sa ginawang pagbabahagi ng isa sa kanilang mga piloto na kinasasangkutan ni Vice President Leni Robredo.

“CEB will address this item internally with the concerned stakeholder(s) based on our Company guidelines,” ayon sa pahayag ng Cebu Pacific.

Nag-ugat ito sa social media post ng isang piloto noong nakaraang buwan na sinabing hiniling diumano ni Robredo na mabigyan ng prayoridad ang kanyang eroplano sa NAIA.

Bunga nito, nagkaroon ng ‘flight diversions’ sa NAIA.

Sinabi pa ng Cebu Pacific na iginagalang ang itinataguyod nila ang ‘freedom of speech and expression.’

Hindi rin aniya nila pinipigilan ang kanilang mga kawani na magpahayag ng kanilang paniniwalang pulitikal.

Ngunit diin ng kompaniya hindi rin dapat isinasapubliko ang mga sensitibong impormasyon at mga detalye ng impormasyon gaano man katotoo ang mga ito lalo na kung mali para maiwasan ang pagkalat ng mga maling impormasyon.

Read more...