DILG nanindigan na walang dayaan sa nakalipas na eleksyon

Ibinasura ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga alegasyon na may naganap na dayaan sa nakalipas na halalan.

Ipinagdiinan ni DILG spokesman Undersecretary  Jonathan Malaya, walang maiprisintang datos at konkretong detalye ang mga grupo na nagsasabing nagkaroon ng malawakang dayaan.

“Essentially napakaganda ng nakaraaang eleksyon. I think this is one odf the most successful conduct of elections in recent memory,” ani Malaya.

Itinuro niya ang mga reporma sa sistema ng eleksyon sa dahilan kayat maayos na naisagawa ang botohan.

Binanggit niya ang automated elections, ang pagpapakalat ng mga pulis at ang paggamit ng mga pulis bilang Board of Election Inspectors sa mga lugar na may mga insidente ng pananakot sa mga guro.

Binanggit din niya na wala pang 1,000 vote counting machines (VCMs) ang pumalpak noong  araw ng botohan at ito ay wala pang isang porsiyento ng kabuuang bilang ng ginamit na VCMs.

Read more...