1,118 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Pilipinas sa nakalipas na linggo

Nakapagtala ng 1,118 na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa nakalipas na isang linggo.

Sa COVID-19 case bulletin ng Department of Health (DOH) hanggang May 15, 2022, base ito sa naitalang datos simula May 9 hanggang 15, 2022.

Mas mababa ito ng 0.3 porsyento kumpara sa mga napaulat na kaso ng nakahahawang sakit noong May 2 hanggang 8.

Nasa 160 naman ang daily average cases.

Samantala, may 14 na bagong severe and critical cases habang 16 naman ang pumanaw sa nakalipas na linggo.

Lumabas din sa datos na nasa 17.5 porsyento ang non-ICU bed utilization, kung saan 4,141 sa 23,707 non-ICU beds ang gamit.

15.6 porsyento naman ang ICU bed utilization, kung saan 438 sa 2,812 ICU beds ang gamit.

Nasa 588 naman ang severe and critical admissions, o 10.6 porsyento ng kabuuang COVID-19 admissions.

Read more...