Wage hike sa ibang bahagi ng bansa inaasahan na rin

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na inaasahan niya na maglalabas na rin ng kanilang wage hike orders ang ibang pang regional wage boards.

Kasunod ito nang pagpapalabas ng kautusan ng minimum wage earners sa Kalakhang Maynila at Western Visayas.

Sinabi ni Bello na umaasa siya na malalagpasan ang mga hamon sa pagtatakda ng umento para mapagaan ng konti ang pamumuhay ng mga arawan ang sahod.

Kasabay nito, pinasalamatan ng kalihim ang wage board ng NCR at Western Visayas dahil sa pagpupusrige na maplantsa ang mga gusot sa wage hike petitions.

“I thank the wage board for heeding my call to expedite the ewview of the current minimum wage in their respective regions,” sabi pa ni Bello.

Inaprubahan ang P33 umento sa mga manggagawa sa Kalakhang Maynila, samantalang P55 at P110 naman sa Western Visayas.

Read more...