Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 521 milyon

AFP photo

Pumalo na sa 521 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 521,230,984 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 84,230,829 cases.

Sumunod na rito ang India na may 43,123,129 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 30,688,390 naman ang kaso sa Brazil habang 29,183,646 ang napaulat na kaso sa France.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Germany – 25,780,270
– United Kingdom – 22,159,805
– Russia – 18,260,293
– South Korea – 17,795,357
– Italy –  17,057,873
– Turkey – 15,054,322
– Spain – 12,127,122

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 6,288,426 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 491,824,498 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...