Abalos: DILG importante sa pagkakaisa ng LGUs, peace and security

Naniniwala si dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na napakahalaga ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga panawagan ng pagkakaisa sa bansa.

Si Abalos ang inaasahang magiging bagong kalihim ng DILG sa administrasyong-Marcos Jr.

“At this time when there is a strong call for our nation’s unity, the DILG plays a paramount in promoting peace and order and in bringin together our local government units,” aniya.

Nangako na rin ito na paghuhusayin ng husto ang pagtupad sa mga mandato ng uupuang bagong puwesto para sa mapayapang mga komunidad.

Nang magbitiw sa MMDA si Abalos, nagsilbi siyang campaign manager ni Marcos.

Read more...