Robin Padilla, 25 governors, 62 kongresista ng PDP-Laban nagwagi

Photo credit: PDP Laban/Facebook

Bukod kay Robin Padilla, na nangunguna sa mga sumabak sa senaorial race, umabot sa 25 gobernador at 26 kongresista na tumakbo sa ilalim ng PDP – Laban ang nagwagi noong nakalipas na eleksyon.

Kasabay nito, pinasalamatan na rin ng National Executive Council (NEC) ng PDP – Laban ang lahat ng mga kumandidato na binitbit ang partido.

“Their unwavering commitment to the party despite all the challenges it went through is a manifestation of their principles and character that will leave a shining example for politicians to emulate,” ayon sa inilabas na pahayag ng partido.

Marami din sa mga lokal na mga kandidato ng partido ang nagwagi.

Hinihikayat ng partido ang sambayanan na magkaisa para sa pagtataguyod sa bansa dahil na rin sa nagpapatuloy na pandemya.

Sina dating Sen. Bongbong Marcos Jr., at Davao City Mayor Sara Duterte, na bumubuo sa UniTeam, ang inendorso at sinuportahan ng PDP-Laban.

Read more...