Malabo pang maipatupad ang mandatory COVID-19 vaccination sa susunod na administrasyon.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 special adviser Ted Herbosa na hanggang ngayon ay expiremental pa ang mga bakuna.
Hindi aniya kailangang magmadali ng pamahalaan para ipatupad ang mandatory vaccination.
Gaya nga aniya ng sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III, kailangang ma-analyze muna ang data at kung ano ang magiging resulta.
Kahit aniya ang pagbibigay ng second booster shot ay patuloy pang pinag-aaralan ng vaccine experts bago ipamigay sa general population.
MOST READ
LATEST STORIES