Higit 1-M doses ng COVID-19 vaccine, napaso na

Aabot sa isang milyong doses ng COVID-19 vaccines ang nag-expire na.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 special adviser Ted Herbosa na nakaimbak sa iba’t ibang rehiyon ang mga expired na bakuna.

Gawang AstraZeneca ang mga expired na bakuna.

Ayon kay Herbosa, donasyon ng COVAX facility ang mga nag-expire na bakuna.

Nangako naman aniya ang COVX na papalitan ang mga nasayang na bakuna.

Read more...